Kumuha ka ng Superproxy

A Non-review Review of Mervin Malonzo’s Sawa Ka Na Ba?

swknb4

Kung sakali mang hindi n’yo pa nababasa ito, ay ‘wag nang magatubili. Basahin n’yo na ang “Sawa Ka Na Ba?” ni Mervin Malonzo na matutunghayan sa website ng Haliya Publishing. Kung tinatamad ka o sawa ka na ring mag-type sa Google para mag-search, maari lamang na i-click ang text na ito. ‘Yan, maaari mo nang basahin Continue reading “Kumuha ka ng Superproxy”

Tabi Po (Graphic Novel)

Rebyu ng rebyu ng Tabi Po ni Mervin Malonzo

tabi po 1

(Warning: NSFW) Unang una, na-disappoint ako nung malaman na yung nabasa ko sa web ay sya ring matutunghayan ko sa print version ng libro (hard copy, ika nga, at hindi e-file). Kung mababasa ko sya ng libre, ba’t ko pa binili ‘tong libro? Pero tama si Mervin Malonzo, masarap amuy-amuyin ang makulay na papel ng bawat pahina nito. (Ginawa ko ‘to kanina sa bus (yung pag-amoy), pero minabuti ko na mag-ingat. Nakakahiya kasi na makita ng ibang pasahero na inaamoy ko itong libro habang nakabukas dun sa pahina na may mga nakahubad na larawan.) Pero tama s’ya, mabango, amoy papel at makulay ang aklat na ito.

Pero sa totoo lang, mahilig naman talaga ako mangolekta ng mga bagay na tangible, tulad ng libro, CD, DVD, at hard drive na punung-puno ng mga bagay na nagtatapos sa .mkv, .mp3, at .pdf.

Continue reading “Tabi Po (Graphic Novel)”