Breeder’s Digest

May mga kantang nagkakapagpangiti, mayroon ding nagpapakilig. Mayroon din namang nakakapagpalungkot, mga kantang mapanakit. Mga kantang may melodies at lyrics na makapagpapadama sa’yo ng kung ano mang nadama mo noong una mo itong napakinggan, na magpapaalala sa’yo kung ano man ang nasasa loob mo, dinadala, o iniisip mo noong panahong narinig mo ito sa radyo, sa CD, o sa MP3 player. Nga pala, wala akong iPod kasi wala naman akong pera.

Hindi ako ang unang nagsabi at nabasa ko lang din sa iba, na sobrang underrated daw ng “Bakit Part 2.” Actually, di ko rin agad na realize na mas maganda ito kaysa sa “Bakit Part 1,” na siguro ay mas madalas ko mapakinggan kasi nasa Side A s’ya. Nasa Side B ang Part 2; kumbaga sa kung fu, deep cut s’ya. ‘Di rin ata ito nai-release bilang “single,” ‘di gaya ng “Eddie’s Song” at “Jopay” (Hindi ako nanonood ng GMA7 o ng Sexbomb, pero dahil sa kantang ito napasearch ako at nagka-crush din (ng konti) kay Jopay). Matagal-tagal ko nang hindi napapakinggan itong kantong ito. Pero noong minsan narinig ko sa jeep, bumalik lahat ng ala-ala ko. Nagkaroon kasi ako ng amnesia. Lols. Medyo mapanakit pa rin ang kanta kahit matagal na s’ya. Kung nagtataka kung ano tinutukoy ko. Pakinggan mo lang ang chorus, nandoon ang sikreto.

Maliit ang chance na maririnig mo ito sa radyo, sa FM dahil sobrang “indie” ng bandang ito. I’m talking about Ciudad. Sa Myx ko ata unang narinig at napanood itong “Monica (Karl’s Fantasy)” ng Ciudad. Na-hook agad ako sa catchy guitar riff sa intro. Na-hook din siguro ako sa lungkot nito. Walang malinaw na mensahe o meaning ang lyrics ng kanta kaya bahala na ang nakikinig kung ano man ang gusto n’yang interpretasyon. Basta dapat malungkot, one-sided love, parang ganun. Tapos dapat medyo geeky, dorky, at awkward pagdating sa girls. Si Mikey Amistoso na mismo ang nagsabi, hindi masaya ang kanta na ito.

Pwedeng fan ka ng mga kanta ng Ben&Ben at ang mga sawing kwentong nakapaloob dito, pwede din namang hindi. Pwede ring OK lang ang dating nila sa’yo, pwede rin namang medyo super slightly hate mo sila. Kung hindi ka fan, meron akong alternative. Hindi s’ya gaanong mapanakit. Pero interesting s’ya na alternative sa mas nakararaming love songs ng Ben&Ben, SUD, o Moira na halos magkakahawig na ang tema. Medyo informative din s’ya, kung dating (i.e., ligawan) ang paguusapan. “Easy Boys and Easy Girls” ng bandang The Strangeness ang sinasabi ko.

‘Di ko na maalala kung paano ko nadiscover itong kantang ito. Naghahanap yata ako noon sa YouTube ng mga kanta ng Smoking Popes tapos nakita ko itong “Megan.” Tingin ko mas una akong namangha sa fan-made music video nito. Ang video ay kuha sa isang camera na nakakabit sa likuran ng tren habang tumatakbo ito. Sobrang poetic nito; sobrang nostalgic din. Pero may sariling tema din ang kanta, sariling kwento, drama. Dagdag pa na nakoronahan bilang Miss World si Megan Young noong mga panahong iyon. Kaya tuloy imahe ni Megan Young ang pumapasok sa isip ko pag naririnig ko itong kanta, kahit wala namang nakakalungkot sa pagkakapanalo n’ya.

(Itutuloy…)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.