Kumuha ka ng Superproxy

A Non-review Review of Mervin Malonzo’s Sawa Ka Na Ba?

swknb4

Kung sakali mang hindi n’yo pa nababasa ito, ay ‘wag nang magatubili. Basahin n’yo na ang “Sawa Ka Na Ba?” ni Mervin Malonzo na matutunghayan sa website ng Haliya Publishing. Kung tinatamad ka o sawa ka na ring mag-type sa Google para mag-search, maari lamang na i-click ang text na ito. ‘Yan, maaari mo nang basahin ang kahindik-hindik at kapana-panabik na kwento na isinulat at iginuhit ni Mervin Malonzo na siya ring may-akda ng paborito kong “Tabi Po” komiks.

Pero bago mo basahin ang komiks maaari ring manatili ka sa website na ito at basahin muna ang aking review na hindi naman talaga review. S’ya nga pala, ang “Sawa Ka Na Ba?” ay parte ng komiks anthology na Bagong Buwan na gawa nina Mervin Malonzo (Tabi Po), Hulyen (UGH), at Julius Villanueva (Ella Arcangel).

Paalala: Ang komiks na ito ay may mga scenes na may nudity at sitwasyong seksuwal, NSFW, kaya ‘wag na ‘wag mong babasahin habang nasa trabaho. Dahil baka hindi mo alam, nakikibasa din pala iyong nasa likuran mo o kaya ay ang manager o boss mo. Pero pwedeng okay pa rin ‘yon, kung ‘di naman oras ng trabaho at ‘wag lang d’un sa maselang eksena. Kasi talaga namang . . .  saksakan . . .  nang ganda itong komiks na ito.

Pero bago ko simulan ang review, ay nais ko muna magpasalamat sa mga nagbabasa ng kung ano mang mga kalokohan meron dito sa blog na ito. At iilan lang naman kayong sumusubaybay sa blog na ito, maliban sa akin. Iilan lang. Isa, dalawa, tatlo? Kasama pa ako d’un. Sa katunayan, ako naman talaga ang No.1 fan ng blog na ito at araw-araw na nag-aabang kung meron bang bago.

Minsan nga, nagugulat pa ako pag biglang may bagong post at nakalimutan ko na, na ako rin pala ang sumulat. At minsan, napapagod na rin ako sa pagsusulat dito dahil bukod sa wala naman masyado nagbabasa, ay hindi rin naman ako kumikita sa blog na ito. Kailan pa ako magkakapera? Kailan pa ako makikilala? Pop Machine. Minsan, ito pa ang umuubos ng oras ko. Minsan tuloy naisip kong kumuha na lang ng Superproxy.

swknb3

Ang problema lang, wala namang ganun sa tunay na buhay. Bukod sa kanta ng Eraserheads na “Superproxy”, na mula sa album na Cutterpillow, sa komiks lang na nabanggit merong Superproxy. Teka, meron pa pala, doon sa science fiction na pelikulang Surrogates, kung saan pansamantalang nagkabuhok ulit si Bruce Willis. Pero hindi Superproxy ang tawag sa mga humanoids doon sa pelikula — syempre, Surrogate, kasi doon nga galing yung title n’ung movie. Base din pala sa comics na The Surrogates ‘yung pelikula.

Pero hindi yata pareho ang isang Surrogate at isang Superproxy. Itong Superproxy, para s’yang pinaghalong Surrogate at Replicant, na galing naman sa pelikulang Blade Runner na base sa nobelang Do Androids Dream of Electric Sheep ni Philip K. Dick.

Pwede nating sabihin na iyong kantang “Supeproxy” naman talaga ang main influence ng komiks ni Malonzo. At base ito sa isang interpretasyon n’ung kanta na maari ngang ihambing naman sa isang Surrogate. Ngayon, kung hindi mo pa napanood ‘yung pelikula, ay okay lang din. Maikili lang naman ang komiks at mabilis lang basahin.

Isa sa mga futuristic elements na nagustuhan ko doon sa komiks ay iyong “augmented reality” na nakakapa-wow talaga kasi malapit s’ya sa ating current technology. At maari mo rin s’yang i-connect dun sa mga layers of reality, sa philosophy, simulations and simulacra, mga ganun, ‘yung mga hardcore. By the way, hardcore din sa komiks na ito ‘yung ano . . .  alam mo ‘yun . . .  ‘yung mensahe.

In the end, wala na akong maisip na idagdag pa dito sa aking review na hindi naman talaga review. Maganda ‘yung kwento. Mahusay ang guhit ni Malonzo. Relevant ‘yung tema. Ano pa ba? Ayun, walang kwenta ang post na ito. Sana binasa mo na lang pala agad ‘yung komiks. La la la la

Disclaimer: The proxy who wrote this post is no longer affiliated with this blog. The proxy has been deactivated and returned to Sarimanok Corporation as part of massive product recall initiated by the company. 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.