Ulan

Hindi ito tungkol sa bagong pelikula ni Nadine Lustre. Sobrang init lang talaga. Sobrang alinsangan. Maghapon na akong nakahubad. (Pero nagsusuot ako ng t-shirt tuwing lalabas ng bahay para di mapagkamalang tambay. Mamaya hulihin pa ako ng mga alipores ni Satanas.)

Nadine-Lustre-HM

Sorry ha, ang hot ko kasi, eh.

Okay lang sana kung may kasambahay ka na sobrang hot talaga, kasing hot ni Nadine Lustre. At mas okay siguro kung kasambahay mo talaga si Nadine Lustre. Pero hindi eh. At hindi ko rin alam kung saan nakatira si Nadine. At dahil sukdulan ang hindot na init sa bahay, naalala ko tuloy iyong kanta ng Kamikazee. Naalala ko na noong tinugtog nila ito sa Pulp Summer Slam, naka-boxer shorts na lang si Jay, “Shit ang iniiiit! Abot sing-eet!”

At dahil gabi na ay maalinsangan pa rin, naisipan kong kantahin iyong kanta ng Rivermaya, iyong “Ulan.” Kapag ganito kainit ang panahon, sino nga namang di mapapasayaw o mapapaawit kapag biglang umulan. Ginaya ko rin iyong sayaw ni John Lloyd doon sa pelikula nila ni Sarah Geronimo.

Naalala ko tuloy, inindorso nitong si Sarah G. itong si Angara noong huling eleksyon, si Angara na author ng TRAIN Law na naging dahilan ng pagtaas ng gas, ng mga bilihin, ng grocery, TRAIN Law na nagpapahirap sa ating lahat. Putcha, ayoko nang bumili ng CD ni Sarah G.

Teka, di naman pala ako fan ni Sarah G. At di na rin ako bumibili ng CDs. Wala rin akong pera pambili.

Maya-maya ay narinig kong may pumapatak sa bubong. Madalang pero sabi ko, “Shet, ulan na ‘to. Sa wakas.” Pero biglang nawala. Putcha, ambon lang pala.

Bigla akong nalungkot. As in nalungkot na parang iyong kanta ng Cueshe na “Ulan.” Kaya naisipan ko na lang kumain. Pumunta ako sa kusina, binuksan ang kaldero. Mula sa “Ulan” ng Cueshe, biglang naging “Ulam” ng bandang Douche ang theme song ng gabing ito: Lagi na lang walang ulam.

Kumakain na ako nang biglang bumalik ang ambon. Salamat Barbie Almalbis, ang galing-galing nung piano version ng “Ambon.” Maya-maya pa’y tuluyan nang naging ulan ang kanina’y ambon lamang. Sa wakas, lumakas din ang ulan. Nadilig din ang bukid, sana pati ang Angat Dam. Shortage sa tubig, shortage sa power. Mamaya may brownout daw. May rotation ng brownouts kasi kulang sa power. Pero magsasaya muna ako sa malakas na ulan. Kasi mukhang nagsasaya rin ang bubong ng bahay namin. Narinig ko itong umaawit, humihiyaw, bumibirit, parang Aegis. Basang-basa sa ulan.

Pero bigla kong naalala. Di ba anti-rain dance iyong ginawa ni John Lloyd dun sa pelikula? Siguro mali iyong ginawa ko. Kaya tumuloy pa rin ang ulan. O siguro, kasi, di naman ako si John Lloyd, kaya wa epek iyong ginawa ko. Pero kung ako si John Lloyd, laglag siguro lahat ng panty ngayon dito.

 

P.S. Ito nga pala ang dahilan bakit kami walang ulam.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.