Tabi Po (Graphic Novel)

Rebyu ng rebyu ng Tabi Po ni Mervin Malonzo

tabi po 1(Warning: NSFW)

Unang una, na-disappoint ako nung malaman na yung nabasa ko sa web ay sya ring matutunghayan ko sa print version ng libro (hard copy, ika nga, at hindi e-file). Kung mababasa ko sya ng libre, ba’t ko pa binili ‘tong libro? Pero tama si Mervin Malonzo, masarap amuy-amuyin ang makulay na papel ng bawat pahina nito. (Ginawa ko ‘to kanina sa bus (yung pag-amoy), pero minabuti ko na mag-ingat. Nakakahiya kasi na makita ng ibang pasahero na inaamoy ko itong libro habang nakabukas dun sa pahina na may mga nakahubad na larawan.) Pero tama s’ya, mabango, amoy papel at makulay ang aklat na ito.

Pero sa totoo lang, mahilig naman talaga ako mangolekta ng mga bagay na tangible, tulad ng libro, CD, DVD, at hard drive na punung-puno ng mga bagay na nagtatapos sa .mkv, .mp3, at .pdf.

May ilang araw ko ring binalik-balikan ang komiks na ito sa loob ng bookstore bago ko binili. Swerte naman, may isang hindi naka-shrinkwrap, kaya ini-scan ko ang mga pahina, ang magagandang larawan at ang kwento. Inisip ko kung bibilhin ko ba o hindi, kung sulit ba na mag-gulay at half-rice ako ng ilang linggo. Pero nang napansin ko na unti-unti nang nauubos ang mga kopya, ayun na, nagdesisyon na ko.

Nagbasa din ako ng mga reviews bago ko tuluyang binitiwan ang naipon ko. At may isang review sa goodreads na medyo natuwa ako. Binanggit sa review na kinuha daw ni Malonzo ang ilang ideya nya mula kay Anne Rice at sa Twilight (cum laude pa naman s’ya sa UP, sabi pa nito). May punto naman siya, nakakatuwa lang kasi mukhang binasa n’ya talaga yung Twilight. Pero yung punto na mabango ang tao para sa mga aswang, sigurado akong hindi ito hango sa Twilight. Kasi, bata pa ako naririnig ko na ‘to sa mga kwento ng matatanda sa probinsya.

tabi po 1-2

Pero teka, di ba common naman sa mga kwento ng mga bampira, aswang, maligno, manananggal, werewolf at nang kung anu-ano pa ang pagiging imortal, ang kagandahan o ang hindi nila pagtanda? Palagay ko, tulad din ito ng kwento tungkol sa mga dragon na laganap sa maraming parte ng mundo. Tulad din ng alamat ng malaking baha o ang delubyo sa panahon ni Noah. Meron sa bibliya, pero meron din sa mga sinaunang kwento natin tulad ng isang epiko sa Bicol, ang Ibalong.

Ang punto ko, di porke’t kahawig, ginaya na kaagad. Wala namang monopolyo sa kaalaman tungkol sa mga bampira at mga kauri nito sina Anne Rice at Stephenie Meyer. Malamang yung mga ideya nila, nakuha din nila sa ibang libro at mga sinaunang kwento.

Hindi ko pa tapos basahin (ulit) pero maganda talaga itong Tabi Po Isyu 1. Kakaiba ang mala water color na pagkakakulay dito. May sex, gore, nudity, at mga bagay na maaring maka-offend sa mga katoliko, mga taong relihiyoso at sa mga taong mahina ang sikmura.

Sa madaling salita: Wasak ang komiks na to’its.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s